Monday, March 06, 2006

Its Raining Babes

March 4, Sabaday, rest day na naman.

I had the chance to go out with my very pregnant(although, hindi halata) bestfriend, Cris. She's 7 months into the ultimate labor, and yet she's as fresh and as pretty as a dandelion.

O sige na, virginal. (sabi mo e. heheheh)

Sinamahan ko siya sa check up niya sa Makati Med. Josko ha. Andaming mothers and fathers -to be. Dumating kami 1pm, and took a number: 36. Guess what number pa lang ang being serviced? Tumataginting na #19. Mahaba habang inuman to.

Every woman in the clinic gave Cris an envious glance. Meron pa nga nagsabi, "miss alam niyo yang anak niyo babae, kasi ang ganda ganda niyo." another one quipped: "pag naka talikod kayo, parang di ka buntis, ang sexy mo pa rin e."

Syempre. Ang ganda ata ng Bes ko. Model yan dati e. Standing a full 5 feet 7 inches without shoes, she towers over most ladies. At ang bone structure sa mukha ha. She's very hard to miss. At may kasabihan nga: Birds of the same feather...

..Are birds.

Hahahahah. I love you, bes!

Syempre ginawa naming tambayan ang 3rd floor lobby ng Makati Med. Chickahan galore, at meron pang camwhore sessions (mawawala pa ba yun?)

Nakapag lunch na kami at na play na ng sandosenang mp3 (c/o my sexy little PSP), #25 pa lang. So mega nagtodo todo kaming heart to heart.

I'm glad we can do that again, sis. :)

Dumating kami dun 1pm, natawag kami for her turn 6pm. Ang saya saya no? At pagtungtong namin sa loob ng uber-sosyal na clinic ni doctora, naaliw ako.

Ang ganda ganda ni doctora, parang derma ang drama. As in wala siyang pores sa pagkaflawless. hehe. At nakakatuwa siya because after dozens of clients, blooming pa rin ang bruha at napaka perky. And guess what?

She's pregnant too.


-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


Ang doctora, ang lakas rumaket.
Isang consultation niya (which lasts 1hour at most, 5 minutes the shortest) is 500 peysos.

Now, nung araw na yun naka 45 clients siya.

Do the math. Tiba tibang peysosesoses! (at isang araw lang yun ha!)

-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


Anyways, after a pleasant consulation, I decided to bring Cris to someplace we've never been to before. Syempre dapat malapit lang sa Makati.

Sugod Market! Market! (kelangan talaga kasali ang mga exclamation marks)

Naghahanap kasi si Cris ng baby stuff na preferrably mura. So ayun. I really want to like Market! Market! because of its ambiance, di ko lang talaga feel ang mga Jolina hoardes. Lalo na yung mga gangster wannabee na ang lagkit ng tingin kay Cris. Syempre pinagtitignan ko ng masama, sabay hawak sa kamay at walk away. (Umiral ang pagkalalaki daw o. hehe)

Nilibot talaga namin ang lahat ng tiannge. Namili ng abubot here and there.


-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


Nag pig out na naman ako (what's new?). Pero at least this time kasama ko ang kakambal ko sa lamunan na tila hindi tinatablan ng pagtaba.

-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


Night came. We headed home. Slumber party sa bahay ng mga A-a--s (last name witheld due to insistent request). The last time we had this was over 6 months ago.

Potek, namiss ko to!

It's very rare for us to find people who we can bare our true souls to.

-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


Kinabukasan dumating ang Kuya at ang sister-in-law ni Cris. Newlyweds. Dala din ang baby nila.
I love kids. Whoops, lemme clarify that: I love Babies, I do however, abhor kids in their toddler years. Toddlers are monsters while on the other hand, babies are miracles. They can make bumbling fools of everyone, especially when everyone uses their "babyspeak" voice.

Bakit ganun? Napapalibutan ako ng sandamakmak na baby? Anong gusto nitong ipahiwatig?

I definitely want a baby of my own. Yes, from my own loins. Not necessarily including the act of procreation. Basta. Will I be a good father? I know I will. Bakit naisipan ko naman ito? Ewan ko ba.



[Music of the Moment: Take A Chance - ABBA ]
[Mood: baby mode ]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home