Sunday, January 22, 2006

On Infidelity and Sibling Love

Just the other day, I was in a consoling mode. I played Mother Ignacia to a very dear friend of mine (itago na lang natin siya sa pangalang John Paul). Pano ba naman, his bobby (by that I mean boyfriend) broke up with him. And the reason? Say it with me...Infidelity.

Hay. Bat ba ganito ang mundo? Everyone's breaking up. Ang nakaka inis pa, yung pakshet niyang boyfriend ay may kalaguyo na ngayon (which, you guessed right, is the same person who caused the break up). At ang usual line ay "Its not you,its me" and "You deserve someone better" ay nag mega special appearance. At may gana pa ng loob to ask for his friendship ha.

Siyempre naman, kanino pa ba kakampi ang mga kaibigan? JP has one tough shell to crack. Nahirapan kami ni Candy to make him talk to us about it. You see, JP's that type who got it all kasi: beauty, to die for bod, brains. Yun nga lang when it comes to the affairs of the heart, he's very brittle. Its very difficult to see a very big man cry.

Alam mo what makes it all the more tragic? Paksyet exboylet told him that he wants a break up on the same day that JP got promoted. Ouch. Can you say heartless?

Ah basta, JP, if you're reading this, I know you'll get through this. The pain is temporary and inconsequential. You could go on for months and still be in "love" with the person. However, its only the idea you're holding on to now. Wala na. Basta, focus ka na lang sa promotion mo. Wishing pakshet boyfriend to just drop dead wouldn't take you anywhere. Let karma take its toll. I believe she does the job more efficiently than we can ever imagine. Basta, the world is one free soul happier. Love you, girl!




-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


Akala ko tapos na eksena ko that day, pero hindi pa. Mga 12 am na rin ako natapos kila JP. I wanted to go home na pero eto namang dakila kong kapatid na si Roxanne ay nagtext sakin:

"De, sunduin mo naman ako sa work o. Takot ako umuwi magisa kasi late na. Si mama naman ayaw ko sunduin. Please."

Magkahalong inis at pag aalala siyempre ang nangibabaw sa kuya kuyahan. Pano ba naman, alam mo ba kung san siya nagpa part time?

Seattle's Best, Alabang Town Center.

At alam mo ba gano kalayo yan sa Makati? Buti na lang si mama, na guilty. Sunduin daw namin together. So mega punta pa siya sa office ko dis oras ng gabi. Inis din ako kay mama sa simula kasi she was nagging me to bits. Kaya lang when I saw her cab pull up on the lobby of my office, na bleeding heart na naman ako.

Pano ba naman, na-haggard siya at biglaan ang paglabas niya at this godforsaken hour. So anong tamang gawin? I paid for her taxi fare and (kahit masakit man sa loob ko) offered to shoulder the fare till Alabang.

Try mo lang mag-taxi hanggang Alabang. Hindi siya talaga masaya (sa wallet). Gusto ko talagang talakan ang sisterette ko pag dating namin sa ATC kaya lang pag lapag namin, kahabag habag ang bruha. Wala na ang mga katrabaho niya, umuwi na lahat. Siya na lang ang nag aabang samin, nakaupo sa labas ng SBC na sarado na. Nag flash back sakin yung time na naghihintay ako ng sundo ko (which happens to be my dad) way, way back in the short pants days of yore. Isa isa nang nagsi uwian yung mga kasama ko sa school, tapos ako na lang mag isa sa waiting shed with matching heavy bag and coleman and everythang. Shit feeling ko pinagsakluban na ko ng langit nun.

Kasi naman e. Ang layo layo ng pinag part time-an niya kaya delikado talaga mag commute mag isa. E decommissioned pa naman ang car ng boyfriend niya, kaya ayun. Wa talaga susundo sa kanya.

Seeing my loved ones safe and sound is one of those feelings I wouldn't trade for the world.

On the ride back home, tahimik lang kaming tatlo.

-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-

Next week, schedule rotation na. Sa wakas, Saturdays and Sundays are mine again.


[Music of the Moment: Trouble - Coldplay]
[Mood: loathe and love]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home