Sunday, December 11, 2005

In The Beginning There Was Etheria

For all of the Encantadia fanatics, like yours truly, we're getting an early treat:



Etheria
Etheria 1
Etheria 2
Etheria 3
Etheria 4
Etheria 5


The rest of the cast:
Alessandra de Rossi bilang ANDORA - Mula sa Hera Sensa. Nababasa niya ang nakaraan ng lahat ng kanyang mahawakan. Mapapaibig kay Ybarro.

Francine Prieto bilang AVRIA - Reyna ng Etheria at ng pinuno ng Hera Andal. May kapangyarihang agawin ang lakas ng iba't ibang nilalang. Mahusay na mandirigma at may kakayahang manggamot at makapagbigay ng sakit sa kahit sinong ninanais. May 'access' kay Ether, ang diyosa ng Etheria.

Pauleen Luna bilang ODESSA - Mula sa Hera Aega. Tagapagbantay ng Olontre, ang makapangyarihang bulaklak na nagbibigay ng kakaibang lakas.

Jopay Paguia bilang JUVILA - Punong kawal ng Hera Volo. May kapangyarihang patigilin o pabilisin ang oras.

Alfred Vargas bilang AMARRO - Ama ni Aquil. Mahuhulog din ang loob kay Danaya.

Ping Medina bilang HAGORN - Prinsipe ng Hathoria. Kaibigan ni Raquim at karibal sa pagibig ni Minea.

Sid Lucero bilang ASVAL - Punong tagapamahala ng pangkat ng mga kawal ng Sapiro.

Rainier Castillo bilang NAKBA - Kaibigang matalik ni BANAK mula sa Sapiro. Magnanakaw, basagulero at nagkukunwaring mahusay sa mahika at pakikidigma.

Pekto Nacua bilang BANAK - Isang mandirigma at panday mulas sa Sapiro. Lilikha sa espada ni Raquim at ng Kalasag.

Aiza Marquez bilang GURNA - Dama at kaibigan ni Mine-a na maliligtas mula sa pagkaalipin.

Ella Guevarra bilang CASSANDRA - Ang susi upang maibalik sa kapangyarihan ang Etheria.

BJ Forbes bilang AQUIL - Ang makulit at mapaglarong anak ni Amarro. May kakaibang pagtingin na nararamdaman kay Danaya.

AEGEN - Ang ninuno ni Imaw at pinuno ng Adamya

*Alessandra de Rossi? Raise the Camp Factor a hundred fold!
*Francine is one HOT lady. Towering, uber sexy, at ayaw paawat na boobs, este body. Perfect!
*Ping Medina as Pen Medina when he was young. Ang cute diba? :)
*Alfred Vargas as Alfred Vargas, only his father...a basta...hay...he's drool worthy. hehe.
*Sid Lucero, isa pang eye candy
*Rainer "I-cant-act-to-save-my-life" Castillo? W..T..F?!? Re-cast!
*Aegen...hmm, sounds like some person I know. Imaw in fez, only more ancient! ninuninu. heheh.


Panalo.
-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


And Monday can't come too soon. Open the doors of Etheria!

[Music of the Moment: Theme song ng Etheria..duh. hehe. ]
[Mood: Etheric. choz. ]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home