Sunday, December 18, 2005

Dear Blog kong Anak,

Kamusta ka naman jan? Ang daddy mo, ito, kelangan magtrabaho...at magliwaliw...at magsaya...at lumagok...at mag aksaya ng pera..at...at....nako, tama na nga gets mo na. Alam ko nararamdaman mo na nakakaligtaan na kita. Hindi noh! (with an -h at the end for a more emphasis approach).

Alam ko, bihira na kita laruin. Bihira na tayo magkwentuhan. Bihira na rin kita butingtingin. Namimiss na rin kita sa totoo lang. Wag kang mag alala, may mga plano ako para sa iyo.

Una, ibibili kita ng bagong damit sa Pasko. Oo, bagong damit. Nahihiya na kasi ako sayo, anim na buwan mo na suot yang template na yan. Tang ina kasi yang Philippine Blog Awards na yan. Ino nominate tayong dalawa, tapos hindi naman pala tayo aabot man lang sa semi-finals. Pano, hindi nila maintindihan pano basahin ang isip mo. Hindi nila mapigura ang mga butones mo kung saan pumupunta. Ready na ready pa naman akong maging stage father. Nakahanda na ang mga kanta mo, ang make-up at mga props. Lugi tayo. Pero hayaan mo na. Hindi lang kasi sila marunong makakita ng talent, even if it hits them on the noggin. At tignan mo naman ang mga natirang mga nominees. Ang cha chaka. Pweh. Walang ka art art. Puro pretentiousnessessessss....(spoken ala Gollum na bitter bitteran na parang na overdose sa Abs Bitter Herbs)

Pangalawa, balak ko kwentuhan ka araw araw (o kung kelan may happening, whichever is more convenient). Maaaring hindi sila mala-nobela salaysay, maaaring payak na mga talata, pero at least andiyan ang mga kwentong yan kung dumating man ang araw na ako naman ang kelangan nang kwentuhan. Oo, dadating ang araw na yun. Yung tipong ulyanin na ang daddy mong ito.

Pero siguro, ito ang pinaka maganda kong surpresa sa iyo. Magkakaroon na tayo ng sarili nating bahay. Oo, bahay. In english, domain name (ang layo no? Walang pakeelamanan). Hindi na tayo makikitira ng libre. Sosyal na tayo anak. Ang bahay na ito, may sarili ring Hosting. Alam mo kung anong klase? Hindi basta basta. (kakayanin mo ba to?) E-Commerce Package! Ang gara no? Tothyalera na tayo anak. Hindi na tayo dukha. Pagkatapos kong magpa alila sa mga dayuhan (alila daw o? choz) sa ibang bansa, eto na ko ngayon nagbabalik at nakatamasa ng ganito. Produkto yan ng aking pagtatrabaho, pagliliwaliw, paglagok at pagtitiis ng pamumulubi sa aking pamilya (sabay hikbi). Ang hirap din maging OFW noh (Over-here Filipino Worker). Kaya wag mong sabihin na hindi ako naging mabuting ama at wala kang napala. Dahil Meron! Meron! Meron! (sampal! choz.) O, kaya tahan na, anak. Soon, we'll be moving. Oo naman, you'll still get to keep Blogger and Blurty, but now they will just be an annex to your room. Naks. Parang SM City. Didn't I tell you tothyal na tayo?

Merry Christmas anak. Sa susunod na kwentuhan.


Nagmamahal,
Ang Magaling mong Ama.

P.S. lalabas lang ako sandali ha. Christmas Party ng companya ko mamaya. Masaya ito. Alam mo kung anong motiff? Sporty? At bakit sporty? Dahil may wall climbing! At sinong damuho ang nag isip nitong theme na ito? Abay malay ko, basta ang alam ko e lalamon lang ako at lalaklak like there's no tomorrow. Shempre hindi ako magji gym attire no. Pero it would be such an eye candy to see those office yummies in tights. Busog na tiyan, pati mata busog din. San ka pa.

P.S.S. Paheram ng magara mong rubber shoes ha.


-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


[Music of the Moment: Don't Play That Song For Me - "sung by the incomparable Aretha Franklin" ~Mariah (wanna see hear how it sounds? Click on the link here.) ]
[Mood: incomparable ]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home