Friday, December 30, 2005

Christmas Left Me Breathless part 3

Wherefore art thou, Father?
December 24 and I came home from work somewhere around 5 pm. Aba pag uwi ko ang mga loka sa bahay, prepared to the highest heavens na. Nakabihis na lahat na kulang na lang tanungin mo "san ang party?". Ewan ko ba, we just love Christmas that much. At dahil sobrang haggard ako from work I had to catch some shuteye kahit konti lang. And konti was what I got. Ginising ako ng aso (na feeling tao) si Jun-jun upang ipagmayabang ang kanyang bagong leash na binili nila mama. Aba, sosyal na aso ha. Sumampa pa sa kama para makipaglaro sakin.

Speaking of the devil dog, since bigay lang samin siya ng ever dearest friend ni mama, Jun-jun doesn't have an official birth date. So ang inisip nila, they'll set it as December 25 na rin. Wala lang feel lang nila. At tamang tama dahil J din naman daw ang name ni Jun so swak na swak. Baliw.

Anyway, mama was in a cooking mood, kaya ba naman sumsamborga ang pagkain sa mesa pagkagising ko. Kulang na lang magluto siya ng isang buong letson at sumayaw ang mga kapatid ko ng tinikling, barrio fiesta na ang bahay. haha.

The mass in our place is always set at 10:00pm on the dot. At syempre, pamilyang pasaway, dumating kami 15 minutes late. Pero josko, pagdating namin sa simbahan, they were just wrapping up this Pre-Mass song and dance presentation with matching glow in the dark mimes. I swear, ang creepy lalo na nung si Mama Mary e may buhat na glow in the dark na Jesus.

Dumating kami: Mama, J, Roc, Ana and fabulous little me, kaya lang parang may kulang sa picture no? Ang dakilang Ama! Hay text ng text. Kesyo ang hamon daw ay hinintay niya pa ideliver. Pweh. We were'nt born yesterday. Idamay pa ba ang hamon? There comes a point when the lies are too tiresome to refute especially when it comes from someone you love. Dad arrived 11:20pm. On the dot. And the mass goes up to 12:00am only.

However at the back of my mind, I was still looking forward to having him there at Church. When he arrived, ok na. Wala naman kaming pake elam kung galing siya sa haliparot niyang other woman. All that matters is that he was there. It sounds too unfair for us, pero I guess thats just the way love is.

We went home, had a filling Noche Buena, cracked some jokes, exchanged gifts, opened gifts, watched some shows on the telly...all under the blissful mist of togetherness. For that I'm thankful. I'd rather have brief dysfunction moments like this, than a broken household.


-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=-


[Music of the Moment: Hold Me In Your Heart - Asia's Songbird ]
[Mood: on the river Euphrates ]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home