Monday, September 12, 2005

Mid Week Meanderings

Yeah. Midweek ko na. Your first day is my third day.

2 days na lang restday ko na naman. Ang saya saya. Minsan feel ko pasaway na ko sa attendance kasi palagi na lang ako naka leave. I'm such a model employee.

Cris (Darkwinter) and I was just talking over cel (o diba sosyal? choz. Actually ang mama kong addict addict sa internet ay ayaw mag disconnect hence we had no choice but to talk on the celly) last night and she mentioned about this supposedly scandalous post of mine just a few entries back (too lazy to linkify). Pero it has something to do with me posting 2 truths and 1 lie. Wala lang naman, actually, kung saming dalawa lang, since bastos naman kami pareho, ok lang yung isiniwalat (o diba what a term?) ko. Totoo naman e. Pero sabi niya it was odd of me to post it. Its not me daw. (ang vague ng kwento no? ganyan lang dapat.) Naging defense ko na lang sa kanya:

"girl, you havent been following my blog. parang cycle lang naman ako e. every now and then I change how I write. the way I wrote yesterday, today seems...inappropriate. to the point of sometimes it feels like I'm reading someone else's work when I check back on it. Yun lang. Winds. Transparency lang naman gusto ko. Kahit anong gawin natin, our blogs could never ever capture our totality. But we can try.."

What I love about my girl, Cris, is that she's my doppelganger. Seriously. Dati pa namin napupuna yan e. Things happen in our lives that when you look at it in the bigger picture, its almost a mirror image of each other. The mischievous fates wove two threads, intertwining. Babae siya, straight, matalino, beautiful. While I'm a lucky bastard of a gay man. Yun lang nagpapaiba samin. Sabi nga namin, these events in our lives are so strikingly similar, its just the execution thats different.

Anyway, I'm purple prosing again. hehe.

-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8-

Shift gear muna. Kung si Che poker master and could talk about the love of the game, (kala mo, che, di ko binabasa blog mo no?) I can do as well.

This is my game.

Kahapon was game 3 of our Volleyball Sportsfest. We're suddenly becoming a force to reckon with. Let me give you a picture: 6 lang kami. 3 babae, 3 lalaki (isa dun fabulous. Guess who?). Ang kalaban, isang batalyon ng mga lantarang faggotinas, at sandamakmak na babae. They had the luxury of substitutions pag may hiningal sa court. 6 ang required number of team member sa isang laro. Tignan niyo sila, tignan niyo kami.

But I was amazed. Suddenly, our plays were sticking. I wasn't required to go all over the place like before because, amazingly, everyone knows what their roles are. Its a very refreshing feeling. Nawala pagod ko. At joy of joys. Bumabalik na ang endurance ko.

Most of the time we were on defense. Its not yet rock solid, but I'm doing my best. Yun ang toka ko e. Admittedly, our offense is paltry. Iisa lang ang attacker namin. In fairness ang tankad niya. I feel insignificant beside him...choz. If only I can bring back my jump reach. And I got to work on my setting skills. The attacker may be the brawns of the team, pero ang setter ang strategist, ang brains, ang dyosa. haha. Kelangan ako na sa pusisyon na yan next week.

The scores for yesterday?
(the first ones being Team NSI-my account from the company that can not be named)
20-25, 25-23, 15-17

Almost had it! What happened was, we were leading 14 to 13, one point na lang. And we were on the offense. Kaya lang the setter threw the ball too low and our attacker had little time to adjust. What was supposed to be the game finisher ay nilamon ng net. Sobrang downer. Nakahabol tuloy ang mga maligno.
Pero it was a valiant effort.

And so the rest was history. Pero walang sisihan. We all did what we can do. Actually sabi nga namin last week, "sa susunod na game, mananalo na tayo ng isang set, tapos sa susunod pa dun, dalawa na!". Ayan. Nag self-prophecy kami. Nagkatotoo tuloy..

Manalo, matalo, theres that precious feeling there that is very pure and overwhelming. There are still 5 major games to go before the finals. May chance ba kami? Ang sagot ng iba? Who knows? Ang sagot ko? NAMAN!

-7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8=7=8-

At sumeguey na naman:
I'm really not into local shows, pero kasi naiingit ako pag ang family ay mag ha-huddle sa sala at manonood ng isang palabas. Togetherness ang drama, pero diba warm and fuzzy ang feeling? (fuzzy daw o! haha) Kagabi nanood ang familia zaragoza ko ng Pinoy Big Brother. Oo na, jologs. Pero wala akong paki. Go suck rotten cantaloupes. Maganda sana ang concept ng show na to, alisin lang Pilipino flair for histrionics. Mahilig kasi natin i-blow up ang walang katuturang bagay. Saka sana wag na kunan yung mga "nagdadasal". Oo na Catholic country tayo, kaya lang ultimo naman yung binubulong na dasal may SUBTITLE pa?

At ang sinasabi ko na, since nagsimula pa lang ang show na to: Bumigay na ang lola Uma mo. Sa mga nanood kagabi, (umamin na kayo) ang saya sayang makita ang bahay ay maging Big Parlor Ni Uma. Napa-triple backflip ako sa eksenang yun.

At tutal nagpaka jologs na ko, itodo ko na: panoorin niyo ang Star in A Million, if only for this one contestant Jimmy. Grabeh siya. At first I thought, just another flash in the pan, but no. Negrong negro ang boses. Nakaka-tindig balahibo. Filipino version ni Anwar Robinson. And he knows how to work it. What makes it more fun is the fact that he's one of the colorful tribe. Yup. Sariling amin siya. Sige na, plug ako ng plug ng kaibigan. Friend kasi siya ni Martin. At mabait naman siya. Kaya go sista. Iwagayway ang bandilang Pink!



[Music of the Moment: In Your Eyes - performed by Jimmy ]
[Mood: so hungry for lunch right now but I just had to finish this longish post ]

1 Comments:

At 10:08 PM, Blogger Paulo Dromilo Suello said...

sobra sa haba ang entry.. naubos ang break ko..hehehe

chika chika ka pa ke cris ha.. hindi pa ba tapos un?

 

Post a Comment

<< Home