Sunday, September 11, 2005

Ang Pagkapanalo Ni Maximo Oliveros.. At Pagkatalo Namin

Dahil pina alala ni ThusSpakeCiriaco (astig ng name no?):
My P100 helped send it there. *wipes tears*
see linky here-y

If only it had a local release. But of course, lalangawin to sa general viewing public. Hindi ganito ang tipo nilang mga likhang sining.

It was an endearing creation. Isa sa mga tipong pinalakpakan ko lalo na for the closing shot. Para sa mga naka nood, don't we all wish we could do that "Walking down the avenue, the leaves of the acacia trees are blowing, falling in the wind, while the potential love of your life waits down the road...as we get nearer..and nearer. Then we are there..at that exact spot..we just....walk on...walk away with our head held high and no regrets?"

Panalo.

And in other personal news. WE. JUST. LOST. OUR. SECOND. GAME.

Yan, hindi panalo. KakaLONGKOT. I gave it my best shot. And the score (compared nung hindi ako nakapaglaro na 5-25, 5 being my team's score) this time was 20-25. Respectable naman diba? Naloka si Lee na malakas parin ang braso ko after all these time.

Ang hindi ko lang kinaya e akala ko, super power pa ako. After 5 years of non-activity, I guess my body is in Uma-Thurman-Kill-Bill-like atrophy. My endurance was down to a measly 30 minutes, compared to before where I can play 6 hours, tops. 30 minutes and hingal na hingal na ako parang aso. Gusto ko magpa sub kaya lang ayaw ako palabasin. Can you say rusty? Now its either that or the fact that I just came from a week of confinement at the Makati Med due to Dengue-us Achuchuchus.

Hm. Alin kaya?

Ngayon, ang sakit ng katawan ko. Pano ba naman, I was all over the place. Not in a bad way ha. Your friendly Libero, Blocker (kahit backline! ok lang, di naman nakita ng coach hahaha), Utility all in one. Now, kung may bibig lang ang katawan ko sumisigaw na to ng aray.

Pero may game mamaya. Gusto ko maglaro.

Pain is good.


postscript: Ian. Dahil nauna ka pa sakin sa RFM gym, na lubos kong ikinagulat at ikinagayak, kelangan sabuyan kita ng mga mahalimuyak na rosas at gantimpalaan ka ng "Ulirang Bob Award" na ibinibigay lamang sa mga taong tunay na naka tats sa aking buhay. Ang sweet. Kahit talo kami, panalo ka.

post postscript: Salamat din sa aking napaka maalindog na muse, Darkwinter at ang iyong consorte na si Archie. Dahil sa inyo, nagkaroon kaming dalawang AUDIEN. (walang CE, para singular) at CHEERER (wala ring S kahit dalawa kayo, out of a possible hundred). Ang saya saya.

post post postscript: Ang pagmamahal ko ay sa inyo. Bow.


[Music of the Moment: Aray - Claire Dela Fuente or Imelda Papin or some other "Jukebox" Queen, I'm not sure which. ]
[Mood: masochist ]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home