Thursday, July 14, 2005

Going Back To Basics (part 1 of an undetermined number of parts)

Andaming araw na na hindi ako maka pag update ng matino. This is getting on my nerves. Hanggang ngayon, ayaw mag-give way ng IT department na i-unblock ang mga sites na pinupuntahan namin. Hay. Anyway, I just have to jot this down for posterity's sake.

Umuwi ang tito, tita at cousins ko from that little known country to the west. You know, that country that controls 80% of the world economy lang naman? They've lived there for the better half of their lives. Dati, sobrang adamant ko sa stance na hinding hinding hindi ako pupunta dun, kahit i-alay pa sakin ang green card na naka-inscribe ang pangalang Derrick Andrus B. Daniel at nakapatong sa gintong plato, na buhat ng dalawang matipunong binata. Hinde. Pero sa pag-inog ng mundo at paglipas ng panahon, parang go na go na ako. Ang bigat ng feeling na ikaw mismo ang maggi-give up sa sarili mong bansa. Pero parang wala na talagang pag-asa e. And here I was holding out for that proverbial "Golden Age" ng Islas Filipinas, pero baka naaagnas na ko 6 feet under the ground, hindi pa rin dumating yung araw na yun.

Hay.

Pero as of now, ang mga ito ay pawang mga pagmumuni muni muna. Nothing major pa naman. In retrospection naman kasi, I'm still loving my way of life here e. O sige na, selfish na. I do not take into consideration the majority living in substandard conditions. Minsan kasi, we all live in our bubbles where anything outside is just a void. Para san pa ang kasabihang "all the world is a stage" kung hindi naman ikaw ang bida, diba? Just this year, andami nang things to look forward to. First off, I'm now semi-independent. Semi- being the operative word. I do things my way, I earn a hefty sum, I do with it as I please, yun nga lang I still live in "the house" that my grandfather built stone by stone. Semi-independent because, may isang isolated room sa kabahayan na ito na halos walang koneksyon sa iba at parang nakatira ka na rin sa ibang lugar. Weird no? Pero totoo.

------------------------------------------
One thing that makes semi-independence possible? Lahat kami sa bahay ay may kanya kanyang Time Zones. Ako ang De Meridian, oras ko, wala nang gising. I walk in seemingly hallow walls. I'm free to do whatever, whenever. Meron ding Mom Eastern. Well, yang time mejo erratic because she got used to staying up till all of her young 'uns had come home. When the brood is secured, that's the only time she sleeps. Then there's Dad Mountain. Bakit mountain? Well by this time, I'm used to NOT seeing him at home at all. Parang he lives somewhere high up in the Himalayas (malay ko kung andyan ba talaga sya). Marami pang iba. Andyan pa ang mga sisterettes ko. Pero I just have to mention this. May bagong addition sa Daniel Time Zones. Ito yung Jun-Jun Central. Yes, ladies and gentle women. Jun-Jun as in our dog. Que anong oras kami magsi datingan sa White House-slash-Malacanang, alive and kicking ang asong ito. Para siyang uminom ng isang batya ng kape sa pagka-hyper. Ang saya saya.
-------------------------------------------

Nagbabasa ka pa rin ba? Sana naman. Pero kung tamad ka na ok lang. Mahaba habang kwentuhan ito e. Pasensya na, ganyan talaga pag ilang araw ka hindi nakapag-blog. Parang sex, its better when all the pent up energies are released...ay ano ba yun. Erase erase erase. Baka magalit si Mother Superiora.

=+ + + + + + + + + + + + + + + + + =

Sabado, Linggo. Isang taon ko na rin ito naging scheduled restdays sa trabaho. Looking back, it was the best. Grabeh, call center na Sat Sun...Sun ka pa? Pero I have a foreboding feeling. Parang kelangan ko na gumawa ng A FAREWELL TO..uhm, pagiging anak ng diyos. Sa susunod na rotation (yes, after a full year) malamang hindi ko na matatamasa ang mga araw na ito. Nagkaroon kasi ng ramp-up sa department namin. Kaya lang ang mga "new blood" na ito ay lumabas na mataas sa rankings. Am I talking jibberish? Ganito kasi sa company ko (whom I must not name na, kasi maraming mga krung krung na legal repercussions daw pag minention namin online in any form), ang scheduling ay parang grading system sa paaralan. You work to get a good grade sa schedule. At the end of the 'semester', your grades are compiled and you are given rankings based on the grade that you got. The higher you rank, the more you get the liberty to choose your sched from the pool. In short, you work hard not for the money...but for the restdays. Sadly, out of 12 people in my department, I'm ranked 9th. (insert collective: HUWAAAT?! here) Thats what you get when the only difference separating your score from the others would be a minuscle percentage (think: 0.02% or the like). Para ngang gusto kong magpalipat dun sa kabilang department na sandamakmak ang tao, at magiging dyosa dyosahan ako sa ranking. Tsk.

=+ + + + + + + + + + + + + + + + + =

Pero sino nag sabing ayokong itry ang ibang restdays? Siguro kakaririn ko na lang ang Thurs-Fri, or Sun-Mon. But Lord in Heaven wag naman sana makakuha ng MATRONA NIGHTS sched (read: Tues-Wed or Wed-Thurs - araw ng mga ballroom dancing). Sana. Sana. Sana. I'd say bring it on, man!

to be continued...

[Music Book of the Moment: Letters To A Young Poet - Rainer Maria Rilke]
[Mood: wanting to hurl stones to the rallyists outside my office]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home