Thursday, July 28, 2005

Akihabara, Tokyo, Yokohama

got such a shock just a while ago. Pag log in ko sa office, routine na for me to check everythang- emails, personals, blogs- pero nagulantang na lang ang pagkatao ko (haha. I exaggerate) nung nabasa ko yung isang tag sa blogspot account ko.

Ron: cool bog, I never thought u really had the talents to do this. my blog is trash when i visited ur site..

(oo na gets ko ibig niyang sabihin, pero hindi yun ang kinagulat ko)

It was Ron, a former Don Bosco schoolmate. Ron! Grabe. (O.A. na ba ako? Pasensiya na. Emotional lang e.) Kasi naman, I miss him a lot. All I can say is he's been one heck of a good friend. Early bloomer siya. Isa siya sa mga kaibigan I found the "formative" years of my life. Grabe, mega flash back naman ang utak ko. Ron was one of the most prominent "divalettes" way back when. Ka-level niya noon sila Toshi and Martin (from previous posts). Kung pwede nga lang mag long gown at mag suot sila ng korona at magdala ng scepter gagawin nila.

Nuong mga panahon na yun, confused pa ako. Iniisip ko pa ng masinsinan kung bakit parang naaatract ako sa kapwa ko. Sila, kilalang kilala na nila ang mga sarili. Kaya nga palaging mainit sila sa paningin ng administration. Sumbong to the highest heavens ang mga teachers kaya mega higpit ng mga prayle, este pari, sa 'min. Palagi kaming nira-round up, The Crucible-style (at ako si Wynona! Ha!). Ang edict nila Father Rector/Mother Superiora e parang "Kami lang dapat ang mga naka long gown dito!".

Pero papahuli ba naman kami? Siyempre hindi. We always found ways to convene. Diba nga may kasabihan? Mas exciting pag may sense of danger (of being caught)? Kaya ayun. While the mayordomas are looking the other way, the little girls had their fun and play. Haaaay. Those were the days. Sad nga lang at he left us sometime in Highschool.

Fast forward to college. Remember ko, ROTC pa nun (oo na! Nung 2001, required ang ROTC! Che!) nung bumulaga sakin ang mukha ni Ron. Nagpaka green mamang may pana din pala si Ganda. We had a choice kung anong ROTC kukunin namin, either the regular one or the Community Service. Being the civic-minded zzzitizens that we are, we chose the path less-trodden. We regretted it later on. Napasubo kami.

Pero it was fun naman kahit papano. Nagtransform kami into student teachers for the little kids of a district in Caloocan. Yes, Caloocan. Can you imagine the commute time from Taft to this far flung place? Peste nga yung mga ka-group naming mga straight guys (literally, flowers among the thorns kami). Kung ano anong excuse for them to not to go to the place. Kaya ang labas namin ay dalawang misyonaryong dalaga. hahah.

And then there was graduation.

The 2 years and some months after that I've been working, we'd only seen each other once or twice. The latest being just a few months ago.

Kaya nga ang laki na lang ng ikinagulat ko nung binasa ko blog mo!

Anong bandila na ang pinagmamasdan niya sa bawat araw?

Sagot nga ba...?


Magkahalong inis at great pride ang naramdaman ko. Nainis ako sayo, bruha ka, kasi hindi ka man lang nagpaalam. Naglaho ka na lang parang bula dito, tapos biglang sulpot a thousand miles away. Dahil diyan, di kita mapapatawad!

....choz.

Actually, I'm so proud of you. I know your living your dreams now. Small step pa lang yan. You've got the rest of your life ahead of you.

ps:
You HAVE got to teach me how to read/speak/understand Nihonggo. Para naman yung obsession ko for anime and Japanese made products (and siguro men na rin. haha) e magkaroon ng justification.



behind him is the Queen's Tower and the Tokyo Ferris Wheel.
(o ayan, teeny weeny na ang pic mo ha. walang angalan).


"Tayo po ay magpalakpakan. Isa na namang Pilipino ang masasalba sa kahirapan!"

But seriously, this birthed a whole lot of meandering thoughts for me. What am I still doing here? What has this country left to offer me? I've already given enough of me to it, I guess its about time for me to ask something in return. Will this country forever look up to other nations and never the other way around? I have made a compromise with myself. The year next would be the deciding factor. If things do not pick up still, I just have two things to say:

Sayonara Manila, Yoroshiku Onegaishimasu Tokyo!


[Music of the Moment: Devil In Me - Utada Hikaru ]
[Mood: looking out my (local) window ]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home