Wednesday, December 08, 2004

180 Degrees, Splook Me Up

Lets stop and pause awhile.[sic]

Tama na muna ang pag susulat ng mga talinhaga sa lenguaheng hindi naman atin. Hay, nakakapanibago pero sige, subukan na rin. Ayoko lang kasing magsulat ng Taglish, ang pangit naman. At lalo naman magsulat ng diretsong tagalog. Hay. Edi magsalita na lang ng lenguaheng malapit sa puso.

Gay Splook.

Ok, kakaloka the past few days. As in ang daming mega emotera sa office at sa bahay at sa life in general. Take for example emotera number 1. My long lost friendship who got up the admin ladder. Ayoko syang i-name e, kasi in fairness, close kami (I hope) pero, datapwat, subalit, kumbaga, Itago na lang natin siya sa pangalang Masaya. Base sa aking narinig mula sa aking mga alipores sa office, siya daw ay nagbago to the max. Case in point, si Paulo (ang Becky na pang-limang member ng F4..) -na aking schoolmate from Don Bosco Makati (yes, ladies and gentlemen, we produce REAL men.) na naging ka-close ko recently dahil same floor ang mga account namin- ay na inissue-han niya ng warning dahil si Paulo daw (in english, allegedly!) ay nag mamagic fingers.

Ok para sa mga hindi call center people sa mundong ibabaw, ang magic fingers ay kilala sa marami pang katawagan, pero ang ibig sabihin nito ay nagsisipindot ka ng kung ano anong button sa callmaster para hindi ka mapasukan ng calls. Hence the magic. Voila!

So ayun nga, ang lola mo ay inissue-han ng warning out of the blue, without even proper investigation (like, hearing his side, duh!). As in nagulat din ako kasi ito ay isa sa pinaka common na gawain ng mga agents sa floor and it shouldn't be that big of an issue, heller!

So ganun, ang eksenang ito ay shempre nag-breed ng isa pang emotera, which is of course, Paulo himself. Heller? Sino ba naman hindi mag eemote sa pangyayaring ito? Ang dami pa naman nyang ambisyon (pero hindi sya ambishosa ha) na ma-promote, at paano na yan dahil malamang hindi qualified ang mga may written warning? So mega warla mode ang lola nyo. As in nag threaten sya mag-resign chorva. Shempre dun sa account lang nya no. Hindi naman siya gaga para mag mega resign from the company completely. Papalipat siya ng account. Sana sa amin.

Eto naman pasok sa ekseners. Ang isa kong friendship si Martin, lately hindi nagpaparamdam. Busy busyhan daw ang beauty niya sa trabaho at isa pa umuwi ang mga pinsan nya from the US of A kaya ang drama niya sa bahay ay pamihnta to the max (yung tipong nakakabahing na) kasi nga hindi daw tanggap ng kanyang clan (na prominente sa society eklavu) na isa siyang fairy. So nag mistulang masquerade ball na naman ang bahay ng bruha. Hay, bahala siya sa life niya!

When I got home sa aking mumunting palasyo in Paranaque, andun naman ang isang mega emotera kong Sister who is making dramatizations kasi nga ayaw siyang payagan makipagdate ng aking mother dearest. And have I mentioned, na ang Mama ay isa ring emotera? Pano ba naman, nabisto niya ang aking Pudang (Father, for you non-gaysplookers) ay kumakarir ng isang other mujer. Ayan, napahamak pa ang aming Christmas bonus! Kaya eto, warla naman ang aking mudang (again, mother) kay Father na nag turn out din na isang emotero. Shempre, kampihan portion naman ang nangyari, ang aking Lola ay nag emote na kampi sha kay Pudang, at ang aking Tita naman (who just got home from Canada) ay kampi kay Mudangerz. Emote niya kasi, she can relate. HAYY!!!

Sa sobrang daming emotera sa mundo kong makulay, no wonder yours truly ay nahawa na rin. Pinipilit kong hindi pero oo, oo, OO! Pero take note ang emote ko ay ang different kind of emote. Para akong high lately. Oy, hindi drugs ha! Basta, HIGH lang. Ewan ko ba! Siguro kasi wala na akong hinahanap pa in life. Siguro kasi andyan na ang Christmas bonus ko. Siguro rin kasi, higit sa lahat, sa taon na ito, ang dami kong trials and tribulations na na-survive. Overall ang dami kong natutunan about me as a person, my life, how love works and how it doesn't, how to mingle with different crowds of people, how to make pakikisama sa mga taong hindi mo naman feel..Everything! (except na lang siguro how to play and appreciate basketball! Ha! yan forever ang di ko kayang atimin.) Hay, and it was very ironic pa na an old friendship happened to stumble upon this blog and texted me right away: "Reading thru, I felt sad for you." Ano daw?

Kakaloka no? Pero Cassy, don't worry, I'm ok. I've been worn, thrown in the hamper, washed, wrung, took a ride in the Spin Cycle, left hanging out to dry, and Voila! Here I am a fresh new person!


disclaimer: This piece of writing may or may not reflect how I speak in real life. Creative juices lang which had to come out in writing lang po. That and an inspiration from my favorite gay writers: BROWN_COW and CHUAYJAI

0 Comments:

Post a Comment

<< Home