Friday, November 26, 2004

Hindi Natatapos

Kaninang hapon ako ay nakahiga sa aking kama habang
nakatitig sa mga hugis ng ulap sa ilalim ng asul na kalangitan.
Ang bintana ng aking kwarto ay nakaharap sa kanluran,
himlayan ng dakilang araw.

Habang naaaninag ang mga mapaglarong hugis ng mga mala-bulak na anyo,
isang dasal ang tumakas mula sa aking mga labi.
Pasasalamat at pagpuri, ngunit higit sa lahat
pakikipag usap.

Pakikipag usap sa Diyos na hinulma ng aking sariling karanasan.
Diyos na hindi kailangang hagilapin sa mga batong bahay.
Diyos na hindi namimili ng mga deboto o humihingi ng tributo.
At higit sa lahat, Diyos na hindi nakaupo sa altar.

Tulad ng dati, ang dasal ay hindi natapos..
Bawat simula ng dasal ay pagpapatuloy ng pakikipag usap.


Just a sudden urge. Not every post in this blog would be in the second tongue.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home